Itinalaga bilang officer-in-charge ng Sugar Regulatory Administration (SRA) si Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ayon sa Malacañang.

Sa ambush interview, kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO)Secretary Cheloy Garafil nitong Miyerkules ang appointment ni Panganiban.

"Yes sir until a new administrator is appointed," pahayag ng nasabing opisyal.

Magsisilbing OIC ng SRA si Panganiban habang wala pang itinatalagang hepe ng nasabing ahensya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang inanunsyo ng Malacañang nitong Marso 24 na nagbitiw sa puwesto si SRA chief David John Thaddeus Alba dahil sa kanyang kalusugan.

Philippine News Agency