MAUBAN, Quezon -- Nasawi ang 2-anyos na batang babae nang aksidenteng mabangga ng jeepney na minamaneho umano ng kaniyang ama sa Barangay Liwayway ng bayang ito.

Naiulat noong Lunes ng Mauban Police, kinilala ang suspek na si Jonathan Benitez, 50, residente ng naturang lugar habang ang biktima ay ang anak nito.

Ang insidente ay iniulat ng ina ng biktima na nangyari ang insidente noong Linggo, alas-4 ng hapon. Minamaniobra umano ng kaniyang asawa ang delivery jeep nang biglang tumakbo ang bata patungo sa sasakyan at doon ay nabangga ito at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo dahilan ng kaniyang agarang kamatayan. 

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!