Nanawagan si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr. kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Lunes, Abril 17, na alamin ang buong katotohanan hinggil sa kaniyang sitwasyon.

"Alamin lang niya yung buong katotohanan, ano yung puno't dulo nito," ani Teves sa isinagawang virtual press briefing kahapon.

"Because this started way before eh. This started–ito lahat operation laban sa akin, started way before," dagdag niya na pinatutungkulan ang nangyaring pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

Isa si Teves sa mga tintingnan ng Department of Justice (DOJ) na mastermind sa pagpaslang sa gobernador at walo pang nadamay.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Nasa ibang bansa pa naman ngayon ang mambabatas at tumatangging umuwi ng bansa dahil umano sa natatakot siya para sa kaniyang buhay.

Nanawagan kamakailan si Marcos kay Teves na umuwi na ng bansa at siniguro ang kaligtasan nito. Binanggit din umano doon ng pangulo na ang puno't dulo nito ay ang pagpaslang kay Degamo, bagay na tinutulan ng mambabatas.

"So this is not about yung pangyayari sa aming probinsya dahil bago pa nun, nanawagan na ako eh. So hindi pwedeng yun 'yung puno't dulo dahil dati pa, nanawagan na ako," ani Teves.

Noong Enero ng taon ito nang ireklamo  ng mambabatas ang umano'y harassment na naranasan niya mula sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na pinangangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

"Kaya gusto ko sana mapag-aralan ni Mr. President kung ano talaga, tingnan naman niya mga tauhan niya, ano yung mga galaw, kung ano yung mga balak, ano yung mga ambisyon, ano yung mga bagay-bagay na ginagawa ng tauhan niya. Yun lang naman," saad ni Teves.