Tila may bagong pupuntiryahin ang aktres at komedyante na si Pokwang nang magbahagi ng isang larawan habang hawak ang isang baril, ready na kaya sa action scenes?

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang aktres na hawak ang isang baril, anito na handa na raw siya at parang may balak pang bumili ng isa sa isang gun shop sa Taguig.

“Ang gaganda…..hmmm??? #magkanopo? Handa na ako! e ikaw? Haahahhahaa,” caption niya.

https://www.instagram.com/p/CrI4O1nrV47/?igshid=YmMyMTA2M2Y=

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Ani naman ng ilang netizens na pwede nang sumabak sa actions scenes ang aktres dahil mukhang bagay sa kaniya ang ganitong role.

May iba pa ngang nagsabi na si Lee— ang dating asawa ng aktres na lang daw ang tutukan ni Pokwang.

“Wag po please! Pwede kay Lee n lng”

“Game firing na! #pewpew,” komento ni Dawn Chang.

“Kill bookson pero pinay version! Kill pokwang ganern! Hahaha bagay sayo mag action movie mang!”

“Naku pang action ka na Mang.”

“Whoooaaa..bagay ma!”

“Oh girls, pumara na kayo ng dyip at atras na tayo. Walang laban ang sumpak natin kay mamang.”

“Pang Hollywood action star ang datingan.”

“Pang action na ba ang next role Mamang uy! pwede pose pa lng astig na!”