Maggie Wilson nag-react sa latest update kina Victor Consunji, Rachel Carrasco

Hindi pinalagpas ng model-TV personality na si Maggie Wilson ang latest update tungkol sa kaniyang estranged husband na si business magnate Victor Consunji at ang sinasabing special friend nitong si Rachel Carrasco, matapos nilang i-flex ang kanilang litrato kasama ang isang sanggol.

Makikita sa litrato ang cozy moment ng dalawa habang tila mahimbing na natutulog ang isang baby girl sa kaniyang tiyan. Nakahilig naman ang mukha ni Rachel kay Victor.

"This beauty had a long day," saad ni Victor sa kaniyang Instagram post, na may hashtags na #NotMe #TheLittleGirlOnMyTummy #IGuessIAmTheCrib #SomeoneAskedIfIShouldHaveABabyAfter45 #ISaidNo at #4To5BabiesAreMoreThanEnough.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Instagram post naman ni Rachel noong Marso 17, makikitang nasa isang yacht siya habang karga-karga ang naturang baby. May caption itong "Together Forever."

Ibinahagi naman ni Maggie ang screengrab ng isang ulat tungkol dito at kinomentuhan ng "Wrong." Pinabulaanan niya ang caption ng ulat na baka ito na ang simula ng pagwawakas naman ng "public feud" nilang mag-asawa.

Saad ni Maggie, "Still not annulled," "Still no communication," "Still have an adultery charge," "Still getting demands everyday," at "Still blocked from seeing my son."

Screengrab mula sa IG ni Maggie Wilson

Ibinahagi rin ni Maggie ang naging sagot naman ng kaniyang special friend na si Tim Connor tungkol sa pagiging kalmado nito sa kabila ng mga nangyayaring "craziness" sa kanila.

Screengrab mula sa IG ni Maggie Wilson/Tim Connor