Hindi ipinalampas ng social media personality at aktres na si Toni Fowler ang komento ng netizens na "forda content" lang umano ang kaniyang recent vlog tungkol sa muling pagkikita nila ng kaniyang biological mother. 

Toni Fowler, proud na iflinex ang kaniyang biological mother

"Forda content lang daw na umuwi nanay ko sa Pinas. Forda content lang daw na umiyak ako. Forda content lang daw na lumaki ako ng wala akong mga magulang," mababasa sa Facebook post ng socmed personality noong Abril 16.

Napamura na nga si Toni matapos kuyugin ng bashers ang kaniyang vlog. Ayon pa sa mga basher nito halata umanong "content" lang niya ito para kumita.

"T*ngina! Kami yung content creator pero kayo magaling gumawa ng kwento," galit na saad ni Toni.

Hindi lang ito ang unang beses na pinutakte ng bashers ang aktres, dahil matatandaang inulan ng negatibong komento ang kaniyang "malaswang" music video na nag-viral sa social media. Ayon pa isang batikang screenwriter, ito raw ay impluwensya ng porn media sa bansa.