Nilinaw ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na Abril 26 pa rin ang deadline ng SIM card registration sa bansa.

Paliwanag ni DICT Secretary Ivan John Uy, susundin pa rin nila ang nasabing petsa hangga't wala pang itinatakdang ekstensyon para sa mandatory registration.

Aniya, wala naman umanong problema sa itinatakbo ng rehistrasyon mula nang mag-umpisa ito noong Disyembre 27 ng nakaraang taon.

Sa batas, binibigyan ng 180 araw ang mga gumagamit ng SIM card upang makapagparehistro o hanggang Abril 26, 2023.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sakaling mabigo ang mga ito, made-deactivate ang kanilang SIM card at hindi na magagamit.

Kamakailan, umapela sa pamahalaan ang mga telecommunications company na palawigin pa ang registration upang mabigyang-pagkakataon ang mga nakatira sa malalayo at liblib na lugar.