Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa inaasahang matinding init ng panahon ngayong Lunes, Abril 17.

Paliwanag ni PAGASA weather specialist Robert Badrina, bahagyang mawawala ang mararamdamang init ng panahon dahil sa mararanasang kalat-kalat na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Tatagal aniya ng kalahating oras ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Nilinaw din niya na wala pang namamataang low pressure (LPA) sa labas o loob ng Philippine area of responsibility.

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Philippine News Agency