Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng umaga, Abril 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:32 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 301 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 23 kilometro.

Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol, at wala ring inaasahang posibleng aftershocks.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi rin ng Office of Civil Defense (OCD) at Davao Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na wala silang inaasahang pinsala dahil sa lindol.