Basista, Pangasinan -- Isang bangkay ng person with disability ang narekober sa Brgy. Nalneran, ayon sa isang ulat nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Damaso De Vera, 61 anyos.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ayon kay Ronilo Callos Ylarde, 28 , corn harvester na bandang ika-1:00 ng hapon ay natuklasan niya ang nasabing bangkay habang nag-aani ng mais partikular na malapit sa Magsaysay Elem. Paaralan ng nasabing barangay.

Sinasabing ang PWD ay mag-isang nakatira sa kanyang bahay at nilalagnat dahil sa kagat ng aso ayon sa kanyang mga kaanak.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Dinala ang bangkay sa Bayambang District Hospital at idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr Renaldo Jose L. Albano.