Tila nabubuo na raw ang "puzzle" sa mga tanong ng netizens kung ano ang ibig sabihin ng cryptic Instagram post ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Kamakailan kasi ay nag-post sa IG si Julia na may broken heart emoji.

Marami tuloy ang curious kung tungkol saan ito. Pero sey ng fans ni Julia, imposibleng sa personal at pribadong buhay ito dahil hindi mahilig mag-share sa mga ganitong bagay ang aktres.

Julia Montes may nakadudurog-pusong pasabog

Anyway, ayon sa inilabas na pasabog ng PEP, mukhang may kinalaman ang cryptic post sa susunod na malaking proyekto ni Julia, at ito raw posibleng pelikulang pagtatambalan nila ni Pambansang Bae Alden Richards, na ipoproduce daw ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment. Cornerstone ang handler ng career ni Julia.

Wala pang detalye ni pamagat sa proyektong ito, subalit sinasabing ang official announcement daw ay magaganap sa Abril 18.

Kung ganoon, matalbugan kaya ng Alden-Julia ang super blockbuster at tinaguriang "highest grossing Filipino movie of all time" na "Hello, Love, Goodbye" ng kaibigan ni Julia na si Kathryn Bernardo?

Tahimik pa ang mga kampo nina Alden at Julia, pero in fairness ay nakaka-excite ito, ha?