Naging maganda ang resulta ng pagtugon ng gobyerno sa insidente ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang naging reaksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagbisita nito sa lalawigan nitong Sabado.

Aniya, naging malaking tulong din sa pamahalaan ang tulong ng international community sa pagtugon sa oil spill.

“Maganda naman po ang naging resulta so far, dahil lahat po ng ahensya ng gobyerno mula noong tumama ‘yung oil spill, mula noong lumubog ‘yung barko, ay lahat na naka-alert na lahat,” bahagi ng talumpati ni Marcos sa pagtungo nito sa Pola, Oriental Mindoro nitong Abril 15.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Babalik na naman tayo sa livelihood. Cleanup sa mga beach, sa mga shoreline. Pero ang critical ngayon ay walang hanapbuhay pa ang tao, ‘yun ang inuuna namin, na magkaroon ng livelihood,” sabi pa ng Pangulo.