Malungkot na inanunsyo ng Irish band na The Script ang pagpanaw ng kanilang lead guitarist at co-founder na si Mark Sheehan matapos nitong magkasakit.

Sa inilabas na pahayag ng banda sa kanilang Facebook account, pinakiusapan nito ang fans na respetuhin ang privacy ng pamilya at ng mismong banda.

“Much loved husband, father, brother, band mate and friend Mark Sheehan passed away today in hospital after a brief illness. The family and group ask fans to respect their privacy at this tragic time,” lahad ng The Script.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binuo ni Mark ang banda taong 2001 kasama ang vocalist na si Danny O'Donoghue at drummer na si Glen Power.

Matatandaang Septyembre 2022 nang huling bumisita ang bandang The Script para sa Manila leg ng kanilang concert. Sila nagpasikat ng mga awiting "The Man Who Can't Be Moved," "Hall of Fame," "Breakeven," "For The First Time," at marami pang iba.