Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga - Nasa ₱1,360,000 halaga ng shabu ang nahuli ng pulisya sa tatlong pinaghihinalaang drug pusher sa anti-illegal drug operation sa Dinalupihan, Bataan kamakailan.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na si Carlo Unating, John Christ Cabato at Walter Isip.

Sa report ng Dinalupihan Municipal Police Station, ang tatlong suspek ay dinampot sa Barangay New San Jose, nitong Abril 13.

Nasamsam ng pulisya ang tatlong sachet ng shabu, dalawang piraso ng plastic na naglalaman ng 200 gramo ng illegal drugs, buy-bust money at isang cellular phone.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang kaso habang nakakulong ang mga suspek.