Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng madaling araw, Abril 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 2:18 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 24 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 189 kilometro.

Naitala ang Intensity Intensity I sa Sarangani at Santa Maria, DAVAO OCCIDENTAL.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Naiulat naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL

Intensity I - CITY OF GENERAL SANTOS; Kiamba, Malungon, at Maasim, SARANGANI

Hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol, at wala ring inaasahang posibleng aftershocks.