NUEVA ECIJA -- Boluntaryong sumuko sa awtoridad ang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) nitong Biyernes, Abril 14.

Sumuko si alias KA RC, dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA), sa ilalim ng Apol Dionisio Command noong 2005-2006, dala ang isang hand grenade.

Sinabi ni KA RC sa awtoridad na dati siyang naging instructor ng kanilang unit sa Nueva Ecija.

Samantala, patuloy namang hinihikayat ni Col. Richard Caballero, Nueva Ecija Police Provincial Director, ang mga rebelde na sumuko na gobyerno.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol