Inanunsyo ng Binibining Pilipinas Charities Inc. ang coronation night ng ika-59 na edisyon ng prestihiyosong pageant ngayong Sabado, Abril 15.

Sa opisyal na social media pages ng Binibining Pilipinas, ibinahagi ang coronation night poster tampok ang 2022 Binibining Pilipinas Queens na sina Binibining Pilipinas 2nd runner-up Stacey Gabriel, Binibining Pilipinas Grand International Roberta Tamondong, Binibining Pilipinas Globe Chelsea Fernandez, Binibining Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano, at Binibining Pilipinas International Nicole Borromeo.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Napansin naman ng netizens na wala sa nasabing larawan si Herlene Budol na siyang 1st runner-up sa noong isang taon.

Habang wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Binibining Pilipinas, kaniya-kaniyang espekulasiyon tuloy ang mga pageant fans, at sinabing baka di umano nag-resign na si Herlene dahil naghayag na ito ng interes sa pagsali sa kauna-unahang Miss Grand Philippines na gaganapin din ngayong taon.

Paglalabanan ng 40 Binibining Pilipinas candidates mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga korona para maging kinatawan sa Miss Globe at Miss International pageants.

Magaganap ang 59th Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas sa darating na Mayo 28, 9:30 PM sa Araneta Coliseum na may live telecast A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at sa Bb. Pilipinas Official YouTube channel.