LAGUNA - Inaresto ng pulisya ang dalawang high-value individual (HVI) sa droga matapos makumpiskahan ng₱360,000 na halaga ng shabu ng Calamba City noong Biyernes.

Sinabi ni Laguna Police director Col. Randy Glenn Silvio, hind na muna nila ibinunyag ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kapwa taga-Calamba City, habang isinasagawa pa ang imbestigasyon sa kaso.

Paliwanag naman ni Calamba City police chief, Lt. Col. Milany Martinez, ang dalawa ay dinakipsa Purok 2, Sitio Magalang, Brgy. Real, sa nasabing lungsod, nitong Abril 14.

Kumpiskado ng pulisya ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 53 gramo ng shabu.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nasa custodial facility na ngayon ng Calamba City Police ang mga naarestong suspek na nahaharap na sa kaukulang kaso.