Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” ang Abril 21, 2023 bilang regular holiday dahil sa Eid’l Fitr o ang Pista ng Ramadan.

Sa Facebook post ng Official Gazette nitong Biyernes, Abril 14, pinirmahan umano ng Pangulo ang Proclamation No. 201 na nagdedeklara ng Abril 21 bilang regular holiday sa buong bansa.

“DECLARING FRIDAY, 21 APRIL 2023, A REGULAR HOLIDAY THROUGHOUT THE COUNTRY IN OBSERVANCE OF EID’L FITR (FEAR OF RAMADHAN),” saad ng proklamasyon.

Ang deklarasyon umano ng nasabing holiday ay upang makiisa ang bansa sa mga kapatid na Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'