Kaway-kaway, MCAI, esp. FiLay fans!

Mapapanood na sa giant streaming platform na Netflix ang hit historical fantasy series na 'Maria Clara at Ibarra' simula ngayong Huwebes, Abril 14.

Pinagbibidahan ang MCAI nina Barbie Forteza bilang Klay, Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, David Licauco bilang Fidel, at Dennis Trillo bilang Ibarra.

“Maria Clara at Ibarra is now officially on @Netflix_PH,” tweet ni Barbie nitong Huwebes.

Eleksyon

Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

“Ano yung hashtag ng Maria Clara is on Netflix na? ,” tanong naman ni David sa fans na pinasundan pa ng sweet na tweet na: “Ang ganda ni Klay .”

Sa direksyon ni Zig Dulay, tampok sa hit serye ang mga nobela ni Gat. Jose Rizal na ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’.

Upang mas maging konektado umano sa younger generation ang naturang mga nobela, binigyan ng makabagong ‘magic’ ang serye kung saan umikot ang kuwento sa isang Gen Z nursing student na si ‘Klay’ na hindi mabatid ang konekta ng pangarap niyang maging nurse ang pag-aaral ng buhay at mga akda ni Rizal.

Dahil dito, pinahiraman si Klay ng kaniyang propesor ng kopya ng nobela ni Rizal na lingid sa kaniyang kaalaman ay magiging daan na pala upang mapasok niya ang mundo ng nobela at makilala ang magiging pag-ibig ng buhay niya – si Fidel.