Kinuha naman ngayon ng Ginebra San Miguel ang Game 3 kontra TNT, 117-103, sa pagpapatuloy ng PBA Governors' Cup Finals sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.
Malaking bentahe sa Ginebra ang kanilang 6'1" point guard na si Stanley Pringle matapos magpakawalang 11 points sa first quarter at kumubra ng 22 markers.
Pinangunahan pa rin ni Justin Brownlee ang koponan sa kinamadang 29 points, walong rebounds at limang assists at sinundan ito ni Jamie Malonzo sa naipong 27 points, tampok ang anim na tres.
Bumawi lamang ang Gin Kings sa pagkatalo, 82-95, sa Game 2.
Pipilitin muli ng Ginebra na manalo at makuha ang 3-1 bentahe sa Game 4 sa nasabi pa ring venue sa Linggo.
Kumamada naman ng 32 si Tropang Giga import Rondae Hollis-Jefferson at tinulungan din siya ni Mikey Williams sa naipreserbang 19 points.