Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Agusan del Norte nitong Biyernes ng hatinggabi, Abril 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:04 ng hatinggabi.

Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Santiago, Agusan del Norte, na may lalim na 13 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Santiago, Jabonga, at City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE, habang Intensity III - Talacogon, AGUSAN DEL SUR.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naitala ang Intensity II sa Lanuza, SURIGAO DEL SUR, at Intensity I sa Guinsiliban, CAMIGUIN.

Samantala, naiulat ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE

Intensity III - City of Surigao, SURIGAO DEL NORTE

Intensity I - Talakag, BUKIDNON; Abuyog, at Mahaplag, LEYTE

Ayon sa Phivolcs, inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.

Pinag-iingat din ang mga residente sa kalapit na lugar dahil sa posibleng aftershocks.