Tinatayang aabot sa ₱5.5 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng pulisya sa Zamboanga City nitong Biyernes, na ikinaaresto ng isang suspek.

Inimbestigahan pa rin ang suspek na nakilalang si Junimar Sahisa, 24.

Paliwanag ni City Police chief, Col. Alexander Lorenzo, nasamsam ang nasabing kargamento habang dinidiskarga sa harap ng bahay ng isang Kahil Aman sa Dastun Drive, Barangay Kasanyangan, dakong 8:45 ng umaga.

Aabot sa 58 kahon ng assorted na sigarilyo ang kumpiskado sa naturang anti-smuggling operation.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“The operatives launched the operation based on a report that smuggled cigarettes arrived in Kasanyangan,” pahayag ni Lorenzo.

Dinala na sa Bureau of Customs-Zamboanga ang nasamsam na sigarilyo.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek, ayon pa sa BOC.

Philippine News Agency