LAGUNA - Arestado ang isang volunteer firefighter at dalawang iba pa dahil sa pagbebenta ng₱3,450,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasangbuy-bust operation sa Santa Rosa City nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rommel Dela Cruz, alyas Mokong, 52, volunteer firefighter; Romeo Acido, 49, taxi driver; at Guillermo Dela Cruz, 52, mekaniko.

Inaresto ng mga tauhan ng Santa Rosa City Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Laguna Provincial Office, at PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement teamang mga ito sa isang fast-food chain saSanta Rosa-Tagaytay Road,Barangay Don Jose, dakong 8:25 ng gabi.

Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang-aabot sa 500 gramo ng umano'y shabu at buy-bust money.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.