Kulang sa detalye subalit lumikha ng ingay ang Instagram post ni Kapamilya actress Julia Montes, kagabi ng Miyerkules, Abril 12.

Makikita sa art card na kaniyang ibinahagi ang isang broken heart na may nakalagay na petsang "04.18.23."

Sa ibaba, nakalagay lamang ang kaniyang pangalang "Julia Montes" at sa ilalim pa nito, ang kaniyang social media accounts.

Walang nakalagay na caption kung ano ang konteksto ng post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dahil dito, dagsa ang espekulasyon ng mga netizen sa nais na ipahiwatig ng IG post. May mga nagsabing baka break na sila ng rumored boyfriend na si Coco Martin, o baka hindi natuloy ang "special day" na sinasabi nito noong Abril 9.

Pero mas matunog ang haka-hakang baka may bagong proyekto ang aktres.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng madlang netizens.

"Bagong teleserye ba iyan? Hindi naman sa personal life 'yan kasi gusto mo private."

"Pasabog eto ☺️☺️☺️ for sure not related sa personal life, it's about a project."

"Di ba sinabi ng Dreamscape may bagong project si Julia, so ito na siguro iyon."

"Ano 'to? Napapaisip na naman kami mga tagahanga mo, Juls…"

"New teleserye? Omg ang hirap mag-overthink, masakit."

"Baka po may sakit sa mga relatives n'ya hay hirap pong manghula daddy lola basta po baka po malapit sa puso n'ya."

Wait na lang natin ang kumpirmasyon ni Julia sa Abril 18!