Tatlong lalawigan sa bansa ang nananatili pa rin sa Signal No. 1 bunsod ng bagyong Amang, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pahayag ng PAGASA, kabilang sa mga nasabing lugar ang northern at western portion ng Camarines Norte na sumasaklaw sa Santa Elena, Capalonga, Paracale, Jose Panganiban at Vinzons, southern portion ng  Aurora na sakop ang Dingalan at San Luis, at northern at eastern portion ng Quezon na kinabibilangan ng Calauag, Infanta, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Mauban, General Nakar, Perez, Gumaca, Atimonan, Real, Lopez at Polillo Islands.

Ayon sa PAGASA, pinupuntirya na ng bagyo ang Polillo Islands at northern mainland ng Quezon.

Huling namataan ang bagyo sa baybayin ng Jomalig, Quezon, taglay ang hanging 45 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 55 kph.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Binalaan ng PAGASA ang publiko sa posibleng flash floods at landslide sa mga nabanggit na lugar sa susunod na mga oras.