Kung "inisnab" at hindi pinapasok noon sa Hermès store sa Seoul, South Korea, iba naman ang shopping experience ni Megastar Sharon Cuneta sa Los Angeles, California.
Ayon sa Instagram post ni Shawie, mababait daw ang staff na umasikaso sa kanila roon kaya napabili siya ng iba pang luxury items, maliban sa sinadya niyang sinturon.
"Finally got my new Hermés belts (my 20+-year-old ones are still too tight! Pero lapit na…!😊) - plus a few other things at The LAX Hermés store!"
"Ang bait nila napabili pa ko tuloy ng iba! I’ve always loved their cashmere throws too so got myself a couple of new ones plus bracelets!"
"Thank you to S.A. Miss Ivy for the great service! #hermeslax @hermes," ani Mega.
Sa dulo ng post ay gumamit ng hashtag si Mega na #walanangisyuha.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/03/sharon-cuneta-winasak-ang-katahimikan-tungkol-sa-di-pagpapapasok-sa-kaniya-sa-hermes-store/">https://balita.net.ph/2022/10/03/sharon-cuneta-winasak-ang-katahimikan-tungkol-sa-di-pagpapapasok-sa-kaniya-sa-hermes-store/