Mukhang palaban na rin sa sexy photos ang Kapuso star na si Beauty Gonzales matapos i-flex ang kaniyang bikini photo noong Abril 3.

Sa kaniyang Ig post, makikitang nakasuot ng pink bikini si Beauty habang may hawak na pink flowers sa itaas at sa kaniyang ibaba.

Naloka naman ang mga netizen dahil litaw na litaw pa rin ang kaniyang kaseksihan, at hindi halatang may junakis na siya ha!

"She Loves Me, She Loves Me Not 🌸," ayon sa caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tila nahamon naman dito ang dating miyembro ng Sexbomb Dancers na si Sunshine Garcia.

"Ayyyy teka nga magawa nga 'yan," aniya.

"Yaaaas," komento naman ni MIss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Marami naman sa mga netizen ang nagtanong kung ano ang sikreto ni Beauty sa kaniyang slim body.

In fairness kay Beauty, hindi siya pinababayaan ng GMA Network simula nang mag-ober da bakod siya rito, matapos gawin ang hit afternoon series na "Kadenang Ginto." Sunod-sunod ang mga proyekto niya at tila hindi nababakante.