Kasunod ng anunsyo ng pagbabalik telebisyon ng hit Kapatid show na “Face 2 Face,” ay ang masayang pagpapasilip ng bagong host na si Karla Estrada sa set ng kanilang programa.

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Abril 11, ibinahagi Karla ang larawan niya kasama ang bagong bihis na show, na tila nag-taping na para sa mga unang episodes nito.

"TO GOD BE THE GLORY.🙏🏻🙏🏻🙏🏻And the new journey starts today! See you all on May 1.🙏🏻🙏🏻🙏🏻Tulungan n'yo akong resolbahin ang problema ng ating mga kabarangay!"

"Wag nang palakihin pa! Pag-usapan natin dito sa, FACE 2 FACE!" saad ni Karla sa kaniyang Instagram post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaliwa’t kanan naman ang komento ng suporta ang natanggap ni Karla mula sa mga fans at kasamahan sa industriya, kabilang na sina Ruffa Gutierrez at Vina Morales, na kapwa masaya para sa kanilang kumare.

Matatandaang unang umere ang “Face 2 Face” taong 2010 kung saan host si Tiyang Amy Perez at pumatok ito dahil sa on-air barangay hall na setup ng programa.

Mapapanood ang “Face 2 Face” sa Mayo 1, alas-onse ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes sa TV 5, Cignal Channel, at One PH.