Grateful and blessed ngayon ang TV host-comedian na si Melai Cantiveros.

Sa pagtatapos ng Holy Week, ibinahagi ni Melai sa kaniyang latest Instagram post ang pagpapasalamat niya sa mga blessings na natanggap niya mula pa noong makapasok siya reality show ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother" o PBB noong 2009 at manalo sa "Your Face Sounds Familiar" noong 2015.

"Birhen dela Assumption, ito ang Patron ng bday nmin mga iina. Paying and praying Thanksgiving and Respect kasi sa kanya ko pinagpray ang mga reality Shows na sinasalihan," ani Melai nitong Lunes, Abril 10.

"Ang Prayer ko is sana makapasok lang sa Pbb, sana makaperform lang ng maayos sa YFSF, pero doble ang binibigay nya.Love u Mama Mary, Jesus Christ and Papa God," dagdag pa niya.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City