Natawa at kinilig ang mga netizen sa "naughty post" ni Sarah Lahbati hinggil sa kaniyang long-time partner na si "The Iron Heart" lead actor Richard Gutierrez matapos i-flex ang pa-abs at magandang pangangatawan nito.

Tila naging pilya kasi ang caption dito ni Sarah.

"what’s for dinner? 😋" sey ni Sarah.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Napakomento tuloy dito ang iba pang celebrity gaya nina Liz Uy maging ang kapatid ni Richard na si Raymond Gutierrez.

Tila hindi naman daw masisi ng mga netizen si Sarah dahil sa ganda ng katawan ni Chard, sino ba naman daw ang hindi matatakam!

"Ganito ba naman ang asawa mo talagang mapapa-what’s for dinner ka talaga 😌."

"Ay may pa-ganyan!! Sana all hungarian ang dinner."

"Uy holy week pa hahaha."

"Sana all uulamin si Richard sa dinner hahaha."