Patay ang isang construction worker matapos barilin sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktima na si Ruel Yabao, 20, taga-177 Pastor St., Tondo, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni Police Executive Master Sgt. Richard Escarlan, ng Manila Police District (MPD), ang krimen ay naganap sa Paulino St., malapit sa kanto ng Nepa St. dakong 12:20 ng madaling araw.

Bago ang insidente, naghahanda na sa pagtulog ang mga residente sa lugar nang makarinig ng magkasunod na putok ng baril.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nang alamin ang pinagmulan ng putok ay nadiskubre ng mga awtoridad ang duguang bangkay ng biktima.

Puspusan pa ang isinasagawang imbestigasyon sa ikalulutas ng kaso.