Lumikha ang artist na si Joneil Severino, 24, mula sa Gandara, Samar, ng imahen ni HesuKristo sa isang malaking dahon ngayong Pasko ng Pagkabuhay, Abril 9.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Severino na ginawa niya ang nasabing art na tinawag niyang Giant Leaf Art gamit ang giant taro leaf upang ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Hesus mula sa pagpapapako sa Krus para sa kasalanan ng sanlibutan.

“Iniisip ko po how grateful I am to have everything, that’s why with the use of his given gift [of talent], nakakapag-spread ako [ng messages] about him through making art,” ani Severino.

Nasa isang oras naman daw ang ginugol ni Severino bago matapos ang imahen ni Hesus sa giant taro leaf na marami naman sa kanilang lugar.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Ayon pa kay Severino, ang pagdarasal, pagsisisi at pagpapalakas ng pananampalataya sa Panginoon ang babaunin niya sa pagninilay-nilay ngayong Semana Santa.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!