Lima ang sugatan matapos gumuho ang isang gusali sa southern French port city ng Marseille sa France nitong Linggo, Abril 9.

Sa ulat ng Agence France Presse, natupok ng mga alikabok ang paligid ng gumuhong gusali na matatagpuan sa gitnang distrito ng La Plaine, habang naroroon sa lugar ang maraming emergency personnel.

Hindi pa umano matukoy ang pinagmulan ng nasabing pag-collapse ng building na nangyari bandang 12:40 ng hatinggabi (2240 GMT).

Sa kabila nito, sinabi umano ng isang residente sa kalapit na gusali na tila isang pagsabog ang nangyari na naging dahilan ng malakas na pagbaksak nito.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Binanggit naman ni Interior Minister Gerald Darmanin na apat hanggang sampung tao ang na-trap sa ilalim ng mga durog na bato.

Noong Nobyembre 2018, dalawang gusali naman ang bumagsak sa distrito ng Noailles, Marseille na ikinamatay ng walong tao.