Sinabi ng showbiz columnist/showbiz insider na si Ogie Diaz na mukhang malabong makabalik sa ABS-CBN si Wowowin host Willie Revillame, lalo't maugong ang tsikang nag-resign na ito kaagad sa ALLTV at pinakansela na ang kaniyang exclusive contract dito.

Dahil dito, inaantabayan ngayon ng fans at supporters kung ano ang mga susunod na hakbang ng TV host.

Mananatili ba siya sa ALLTV o babalik ulit siya sa inalisang GMA Network?

O paano raw kung hindi na siya tanggapin doon? Posible bang bumalik sa ABS-CBN kung saan una niyang ginawa ang "Wowowee?"

Willie Revillame, lalayas na raw sa ALLTV?

Tsika ni Ogie, kung sakaling mangyari ito, isa umanong ABS-CBN head ang nagbantang magbibitiw sa kaniyang tungkulin at lalayasan ang network.

"Ang ABS-CBN naman ang alam ko, ito'y ano lang naman sa akin once makabalik ng ABS-CBN si Willie Revillame, isang tao mula sa top management ang magre-resign."

"Ang nakarating sa akin, pinasakit ang ulo no'n ni Willie. Hindi ko lang alam ah, kung sino 'yung tao na 'yun," sey pa ni Ogie sa kaniyang co-hosts sa "Ogie Diaz Showbiz Update."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Willie tungkol dito.