Sa latest chika ng ‘Showbiz Now Na’ ni Cristy Fermin sa YouTube, ikinuwento niya na nakatanggap umano siya ng balita mula sa kaniyang source at sinabing nag-file na umano si Willie Revillame ng kaniyang resignation sa pamunuan ng AMBS-2.
Aniya, “Nako, grabe po ito. First time niyo po itong maririnig, mapapanood dito sa aming programa, isa pong source ang nakapagbalita sa amin na sumulat na po si Willie Revillame sa pamunuan ng ALLTV, ng AMBS-2, sumulat na po siya, nag-resign na po siya, at wala na siyang kinalaman sa istasyon."
Ikinuwento pa ng beteranang columnist na dahil sa "utang na loob" kaya lumipat si Willie sa ALLTV na pagmamay-ari ni Manuel Villar.
Idiin din ni Cristy Fermin na wala na umanong dapat na patunayan pa si Willie hinggil sa pagtanaw niya ng utang na loob sa kaibigan, dahil pinagbigyan na niya ito.
"Di ba utang na loob ang sinasabi nating dahilan kung bakit mula sa GMA 7 si Willie Revillame, lumipat sa ALLTV," sey ni Cristy.
"Siguro naman po yung pang-iiwan ni Willie sa kaniyang Wowowin na talagang kumikita siya ng milyon-milyon at talagang punong-puno talaga ng commercials at sikat na sikat."
”Para iwanan yan ni Willie Revillame at sumama siya sa pamilya Villar na tinatawanan niya ng utang na loob, wala na tayong masasabi pa. Wala na siyang kailangang patunayan pa," dagdag pa niya.
Ispluk pa ng columnist, sinisisi ng netizens si Willie sa paglipat niya sa ALLTV kahit na maganda ang estado ng programa niyang Wowowin sa GMA.
"Ang dami-daming sumisisi kay Willie, kasi umalis-alis ka pa ng GMA 7 ang ganda-ganda ng estado mo diyan. Isipin mo ang Wowowin sikat na sikat ka, ang dami mong tagasuporta."
"Pero yun nga po yung punto ni Willie, noong panahon na wala pang nagtitiwala sa kaniya. Pamilya Villar lang ang nagbigay ng House and Lot sa Wowowin noon. So, bilang ganti po doon sa tinatanaw niyang utang na loob, noong imbitahan siya ng pamilya Villar para buuin yung AMBS-2 sumama siya."