Umabot na sa ₱900,000 ang pabuyang alok ng pamahalaan sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ng hitman ng New People's Army (NPA) na si Roger Fabillar sa Negros Occidental.

“Several concerned stakeholders and private individuals offered additional cash reward amounting to PH₱400,000 to hasten the manhunt against Fabillar and his group. Such amount shall be given to anyone who could provide information that could lead to the arrest and/or neutralization of Fabillar,” pahayag ng Philippine Army-79th Infantry Battalion (IB) na naka-base sa Sagay City, Negros Occidental.

Si Fabillar, alyas "Arnel Tapang", "Jhong" at "Nono" ay sangkot umano sa tatlong sunud-sunod na pagpatay sa Calatrava simula nitong 2022.

Kabilang sa mga biktima sina Barangay chairman Benjamin Javoc, taga-Brgy. Lalong, Renato Estrebillo, at Rodel Nobleza, taga-Brgy. Marcelo, pawang napatay noong Agosto 2022.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Si Fabillar din ang itinuturong pumatay kay Councilman Benito Hubahib, taga-Brgy. Cambayobo nitong nakalipas na Pebrero.

Noong Setyembre, itinaas sa ₱500,000 ang reward para sa ikadarakip ni Fabillar.

Itinaas sa ₱900,000 ang pabuya kasunod na rin ng sagupaan sa pagitan ng grupo nito at ng 79th IB sa Sitio Siraje, Brgy. San Isidro, Taboso, nitong Huwebes.

Nauna nang inihayag ni Lt. Col. J-jay Javines, commanding officer ng 79th IB, na si Fabillar ang inatasang magpatupad ng special operations ng natitirang NPA Northern Negros Front.

Philippine News Agency