Dipaculao, Aurora -- Isang 36-anyos na lalaki ang nalunod habang lumalangoy kasama ang kanyang katrabaho sa malapit na dagat sa Brgy. Lipat sa bayang ito nitong Biyernes, Abril 8.

Kinilala ng Coast Guard Station ( CGS) Aurora ang biktima na si Carlito Badil, 36, residente ng Bislig City, Surigao Del Sur.

Lumalangoy ang biktima kasama ang kanyang katrabaho na si Japet Subang, 28, mula Southern Leyte, sa karagatan ng Brgy. Lipat, Dipaculao, Aurora nang sila ay abutan ng malalaking alon at magkahiwalay.

Tuluyang nakaahon si Subang sa dalampasigan at nakaligtas, habang si Carlito Badil, sa kabilang banda, ay nalunod.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Agad na pinaandar ng CGS Aurora ang Search and Rescue Team nito na tumuloy sa lugar kung saan natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa baybayin ng L’Siren Resort, Brgy. Reserva, Dipaculao, Aurora.