Hindi man pinangalanan subalit inalpasan ng tinaguriang "Queen of Soul" na si Jaya ang tila blind item ng komedyante, direktor, at manunulat na si John "Sweet" Lapus tungkol sa isang singer na nasa Amerika, at panay likes ng tweets tungkol sa "anti-trans."

"Mga anak sino daw yung singer na panay ang like ng mga anti trans tweets dito?" saad ni John sa kaniyang tweet.

"Di ko nga alam. Singer daw na nasa US na now," dagdag pa niya.

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Jaya at niretweet ang mga pa-blind item ni Sweet at kinomentuhan.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"John I am not anti trans but if you will follow @againstgrmrs they are a group of lgbt that is against grooming young children here in America to get surgery without consulting with their parents and these kids can’t even drink alcohol or get a tattoo."

"Sana you guys can ask me what is going on before assuming what I believe and am tweeting. Mas ok if magtanong muna. Wala kayo dito so you are not aware of our daily lives here. 🙏🏼❤️," paliwanag ng singer na nag-migrate na sa US.

https://twitter.com/jayasoul/status/1643342540488458240

Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Sweet tungkol dito.