Inamin ni GMA Senior Vice President at isa sa mga head ng Sparkle GMA Artist Center na si Atty. Annette Gozon-Valdes, na ideya at kagustuhan ng kaniyang amang si Atty. Felipe Gozon, chairman at CEO ng GMA Network, ang pakikipag-collab nito sa mahigpit na karibal na network, ang ABS-CBN.

Ito ang pagbubunyag ni Annette sa naging panayam sa kaniya ng Kapuso actor na si Paolo Contis, na siyang host ng "Just In," sa YouTube channel ng Sparkle.

"Idea ng dad ko na makipag-collaborate sa ABS-CBN," aniya.

Nagbiro pa si Paolo na baka napilitan lang daw siya dahil nga ang kaniyang tatay ang may gusto nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Gustong-gusto ko ang collaboration. Gusto ko talagang nakikipag-collaborate sa ibang producers," tugon niya.

"Kaya nga from before pa, lagi kaming may partnerships with Regal, Viva, lahat ng producers. So ngayon, may opportunity na to work with someone we never worked before, na siyempre we respect so much in this industry, so exciting!"

Natuwa si Annette sa bagong karanasan lalo't para lang daw silang magkakabarkada ng ABS-CBN bosses nang magkasama-sama sila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/01/kapamilya-ng-kapuso-cast-ng-unbreak-my-heart-nagbonding/">https://balita.net.ph/2023/02/01/kapamilya-ng-kapuso-cast-ng-unbreak-my-heart-nagbonding/

Matatandaang ilang beses naispatang magkakasama ang ABS at GMA bosses para pag-usapan ang kauna-unahang collab project ng dalawang higanteng network: ang "Unbreak My Heart" na talaga namang gumawa ng ingay sa teaser pa lang.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/04/03/may-pabakat-din-gabbi-di-nakaligtas-sa-kamandag-ng-higop-ni-joshua/">https://balita.net.ph/2023/04/03/may-pabakat-din-gabbi-di-nakaligtas-sa-kamandag-ng-higop-ni-joshua/