Marami sa mga international celebrities ang humahanga ngayon sa kagandahan ng sikat na mambabatok ng Pilipinas na si Maria Oggay o mas kilala bilang Apo Whang-od, matapos maitampok sa isang lifestyle magazine ngayong Abril.

Una na rito ang supermodel na si Gigi Hadid kung saan ibinahagi pa sa kaniyang Instagram story ang litrato ng traditional Kalinga tattooist, na sa ngayon ay may edad na 106-anyos.

Sumunod naman, ang Oscars awardee at Hollywood superstar na si Halle Berry ay hindi rin naiwasang humanga kay Apo Whang-od.

"Now THIS is real beauty 🙏🏽," aniya sa caption ng kaniyang Instagram post kalakip ang litrato ng magazine cover na nagtatampok sa pinakamatandang mambabatok sa Pilipinas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sumang-ayon naman dito ang supermodel na si Naomi Campbell at actor-host Mario Lopez. Sang-ayon din dito si Law Roach, kilalang retired American fashion stylist.

Nagpasalamat naman ang aktres na si Cherry Pie Picache at fashion designer Rajo Laurel matapos nilang ma-appreciate ang mambabatok, na anila ay "national treasure."