Tila naninibago ang mga netizen sa hitsura ngayon ni Vivamax star AJ Raval matapos niyang ipatanggal ang breast implants na nagpaluwag na sa kaniyang dibdib.

Sey ng mga netizen, mukhang bumata pa lalo ang hitsura ni AJ, na para bang isang elementary student.

Nag-TikTok kasi ang kaniyang inang si Alyssa Alvarez at dito ay saglit na sumilip ang aktres. Kitang-kitang hindi na gano'n naghe-hello ang boobey nito.

'Kambal' ni AJ Raval, pinatanggal

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Nagmukhang elementary student si AJ ang ganda-ganda."

"Mas bumata lalong tingnan si AJ Raval."

"Laki ng pinayat niya."

"Bumata tingnan si AJ."

"Mas bumata tingnan si AJ ang cute."