Nakatanggap ka ba ng may tuping 1000-Piso polymer banknote?

Huwag nang mag-alala. Maaari na itong gamiting pambayad sa pang araw-araw na transaksyon.

Sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), katulad ng perang papel, nananatiling may halaga ang polymer banknotes kahit may tupi ito.

Nilinaw din ng BSP na kahit ang perang may staple wire ay dapat pa ring tanggapin sa mga transaksyon ng retailers at bangko.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Gayunman, ipinaliwanag ng BSP na ang sadyang pagsira ng pera, papel man o polymer, ay may karampatang parusa alinsunod sa Presidential Decree No. 247.