Nakalabas na sa ospital si Pope Francis ngayong Sabado ng hapon, Abril 1, matapos ang tatlong araw niyang paggagamot sa respiratory infection.

“I am still alive,” biro umano ng pope na inulat ng Agence France Presse.

Na-discharge na sa ospital sa Rome si Pope Francis matapos umanong aprubahan ito ng kaniyang medical team kasunod ng nangyaring mga pagsusuri sa kaniya kaninang umaga.

Matatandaang dinala sa ospital si Pope Francis noong Miyerkules, Marso 29, dahil sa mga pagkakataong nahihirapan siyang huminga.

Internasyonal

Pope Francis, pagaling na sa bronchitis dahil sa antibiotics - Vatican

BASAHIN: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection