Nawindang ang mga Kapamilya at Kapuso fans nang masaksihan ang official teaser ng kauna-unahan at makasaysayang GMA Network, ABS-CBN Entertainment, at Viu Philippines collaboration project na "Unbreak My Heart" na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria.

Mapapanood kasi sa teaser ang isang eksena kung saan may kissing scene ang karakter nina Joshua at Jodi na tila ba "May-December affair" ang peg.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

https://twitter.com/gmanetwork/status/1641651531618435072

Hindi pa nga nakaka-get over ang lahat sa pinag-usapang higupan scenes ni Joshua kina Janella Salvador at Jane De Leon sa katatapos na "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" ay heto na naman daw ang Kapamilya heartthrob!

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/">https://balita.net.ph/2022/10/25/joshua-hinigop-si-janella-mga-nasa-pila-windang/

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/03/amanos-na-kay-janella-jane-nalasap-ang-banayad-na-higop-ni-joshua/">https://balita.net.ph/2022/11/03/amanos-na-kay-janella-jane-nalasap-ang-banayad-na-higop-ni-joshua/

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Sumosobra ka na Joshua!"

"At heto na naman po ang Higop King!"

"Grabeeeee ano kayang istorya nito?"

"Grabe yung higupang Joshua and Jodi, no one expected this!!!!"

"Kaabang-abang na…"