Hindi raw takot mamatay si Kuya Kim Atienza dahil alam niya raw na sa langit siya mapupunta. 

Ibinahagi ito ni Atienza sa kaniyang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" sa March 30 episode nito.

Nakaranas na noon si Atienza ng near-death experiences kaya naman itinanong siya ni Abunda kung ano ang pananaw niya tungkol sa "kamatayan."

"Hindi na ako takot mamatay, Boy," diretsahang sagot ni Atienza.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"I can die today... kasi alam ko kung saan ako pupunta. Alam kong pupunta ako sa langit," aniya pa.

"...because I accepted Jesus Christ as Lord and Savior and repented for my sins. I still sin, all have sinned and fall short of His glory, but I repent all the time," paliwanag pa ni Atienza. 

Sigurado raw siyang pupunta siya sa langit hindi dahil sa "gawa" niya kundi dahil sa pananampalataya niya sa Panginoong Hesus.

Hypothetically, kung malalaman niyang kailan siya mamamatay, pupuntahan at yayakapin daw niya ang kaniyang misis. 

"Sasabihin ko kung gaano ko siya kamahal. Kakausapin ko mga anak kong nasa America sasabihin ko kung gaano ko sila kamahal," ani Kuya Kim. 

Lahat din daw ng mga tao kaya niyang sabihan na mahal niya ang mga ito ay gagawin niya. 

Samantala, mapapanood naman sa "Magpakailanman" ngayong Abril 1 ang storya ng kaniyang buhay.