Isiniwalat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Marso 31, na naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga tinitingnan nilang mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel R. Degamo noong Marso 4.

“Siya ‘yung pinaghahanap namin talaga,” saad ni Remulla.

Nahuli umano ang suspek habang tumatakas sa Negros Oriental, at nasa nasa kustodiya na ng NBI at sumasailalim sa debriefing.

“We want to get the details first. We want to see the attitude and we have to take a break kasi this has been very intense and now we can heave a sigh for a few days while we are still getting more details,” ani Remulla.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ayon kay Remulla, maituturing na tagumpay ang pagkaaresto ng nasabing tinitingnang mastermind sa kaso ng pag-ambush kay Degamo na sinabi niyang 99% solved na.

Hindi pa naman ibinahagi ni Remulla ang pangalan ng arestadong suspek ngunit siniguro niyang isasapubliko nila iba pang impormasyon sa darating na Lunes, Abril 3.

Matatandaang isiniwalat din ni Remulla kamakailan na isa rin si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves sa mga tinitingnan nilang mastermind sa pagpaslang kay Degamo.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Nasawi si Degamo at walo pang sibilyan na nadamay matapos siyang pagbabarilin ng mga armadong indibidwal sa harap ng bahay nito habang siya ay nakikipag-usap sa ilang mga benepisyaryo ng 4Ps.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!