Makakasagupa na ng TNT ang Ginebra San Miguel sa PBA Governors' Cup Finals.

Ito ay nang padapain ng Tropang Giga ang Meralco, 107-92, sa Game 4 ng kanilang semifinal round sa Araneta Coliseum nitong Biyernes.

Kumubra ng 42 points si TNT import Rondae Hollis-Jefferson, bukod pa ang nakuhang 11 rebounds.

Nagpreserba naman ng 21 points si Calvin Oftana, tampok ang limang tres nito sa first half. Nakapitas din ito ng walong rebounds, isang assist, dalawang steals at isang block.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Tumulong din si Mikey Williams nang kumolekta ng 17 points, kabilang ang kanyang four-point play kaya nakuha nila ang malaking bentahe, 103-92, mahigit isang minuto na lamang sa natitira sa final period.

Nakakubra naman ng 37 points si KJ McDaniels na hindi sumapat kumpara sa lakas ng Tropang Giga.