Muling flinex ng hunk actor na si Marco Gumabao ang aktres at nali-link sa kaniyang si Cristine Reyes na aniya ay "workout buddy" niya.

"Workout buddyyyy @cristinereyes," saad sa text caption ni Marco, na mababasa sa kaniyang Instagram story.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang madalas nilang pagsasama sa mga lakaran.

Unang sumabog ang tungkol sa kanila nang makita silang magkasama sa Siargao para sa isang bakasyon.

Marco Gumabao, may inamin tungkol sa kanila ni Cristine Reyes

Lately ay inamin ni Marco na "no label" ang relasyon nila ni Cristine. Ang mahalaga naman ay masaya at nag-eenjoy sila sa companion ng isa't isa.

"Kami ni Cristine, we've worked together since 2015, first teleserye ko kasama ko siya sa Tubig at Langis. And I can say we have formed a relationship, a good solid friendship throughout the years," aniya sa interbyu.