Itinakda na ng Department of Education (DepEd) ang End-of-School-Year (EOSY) Rites sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2022-2023 sa Hulyo.

Sa paabisong inilabas ng DepEd nitong Huwebes, nabatid na isasagawa ang mga naturang EOSY Rites mula Hulyo 10 hanggang 14, 2023.

Ang tema ng EOSY Rites ngayong taon ay "Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon" o K to 12 Graduates: Molded through a Resilient Educational Foundation. 

Kabilang sa EOSY Rites ang recognition day, moving up at graduation ceremonies.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?